Ipinahayag Biyernes, Disyembre 30, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagbati sa paglagda ng Pamahalaan ng Syria at oposisyon sa serye ng kasunduan ng tigil-putukan. Umaasa aniya rin ang Tsina na totoong ipapatupad ng Pamahalaan ng Syria at oposisyon ang nasabing kasunduan ng tigil-putukan para sa kapakanan ng mga mamamayan ng bansa.
Kabilang sa tatlong kasunduan na nilagdaan ng Gobyerno ng Syria at oposisyon ay kasunduan ng pambansang tigil-putukan, listahan ng mga control mechanisms para matupad ang tigil-putukan at pahayag ng pagsisimula ng talastasang pangkapayapaan.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac