Ayon sa datos na inilabas Martes, Enero 3, 2017 ng pamahalaan ng Singapore, bumaba ang presyo ng mga pabahay ng bansang ito noong 2016 at bumaba ito ng 3% kumpara sa taong 2015. Ito'y nagmula sa patakaran ng pamahalaan sa mahigpit na pagkontrol sa presyo at di-mabuting pagtakbo ng pambansang kabuhayan.
Ayon sa naturang datos, ang presyo ng mga pabahay ng Singapore noong ika-4 na kuwarter ng taong 2016 ay bumaba ng 0.4% kumpara sa ika-3 kuwarter ng taong ito. Ito rin ang pinakamababa na presyo ng pabahay ng bansang ito sa loob ng 3 taon at isang kuwarter singkad.