Ipinahayag kamakailan ni Ginoong Huang WeiFeng, namamahalang tauhang Tsino ng Tsingshan Industrial Park, isa sa mga proyekto ng kooperasyong pangkabuhayan sa pagitan ng Tsina at Indonesia, na hanggang katapusan ng Oktubre, 2016, 2.45 bilyong dolyares ang inilaan sa naturang proyekto. Samantala, 10 libong luklukan ng hanapbuhay ang inidulot dahil dito, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman kamakailan ni Anwar Hafid, Gobyernador ng bayan ng Morowali, Indonesya kung saan matatagpuan ang Tsingshan Industrial Park, na nakikinabang ang kanyang administratibong rehiyon mula sa nasabing kooperasyong pangkabuhayan. Ang Morowali aniya'y naging isang purok, kung saan pinakamabilis ang kaunlarang pangkabuhayan sa buong Indonesia, noong 2015.