Sa "linggo ng imprastruktura" na sinimulan kahapon, Martes, ika-8 ng Nobyembre 2016, sa Jakarta, ipinalabas ng pamahalaan ng Indonesya ang 350 proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura, para hikayatin ang pamumuhunan mula sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa Samahan ng Industriya at Komersyo ng Indonesya, ipinalabas ang ilang malaking proyekto ng konstruksyon ng puwerto, paliparan, daambakal, haywey, power grid, at iba pa. Tinatayang lumahok sa pagbibiding ang halos 18 libong negosyante mula sa loob at labas ng Indonesya, at ang halaga ng mga mararating na kontrata ay mas malaki kaysa noong isang taon.
Salin: Liu Kai