|
||||||||
|
||
US$ 3 BILYON, IPAUUTANG. May nakalaang tatlong bilyong dolyar ang Bank of China para sa micro, small and medium enterprises ayon kay Jess Varela, (dulong kaliwa) at tiyak na liliwanag ito sa pagpupulong ng mga SME sa darating na Marso. (Melo M. Acuna)
MAY nakalaang US$ 3 bilyon para sa mga tinaguriang micro, small at medium enterprises sa bansa mula sa Bank of China.
Ito ang sinabi ni G. Jess Varela, kinatawan ng International Chamber of Commerce-Philippines sa idinaos na "Wednesday Roundtable @ Lido." Nagsagawa na ng roadshow ang Bank of China noong nakalipas na taon at magkakaroon ng malaking pagtitipon sa darating na Marso ng taong ito.
Malaki ang papel ng micro, small at medium enterprises sapagkat kahit sa Tsina ang mga ito ang naging gulugod ng lumalagong ekonomiya mga ilang dekada na ang nakalilipas.
Ang salaping mula sa Bank of China ay maaaring mailabas sa pamamagitan ng isa o ilang bangkong Filipino, micro-financing institutions at mga kooperatiba. Tiniyak ni G. Varela na maliit ang interes ng pautang na magmumula sa Bank of China.
Ayon sa datos ng pamahalaan, ang micro, small at medium enterprises ay aabot sa 99% ng mga bahal kalakal sa Pilipinas. Isinusulong ng Department of Trade and Industry ang pagkakalakal sa mga mamamayan upang mas marami ang makinabang sa kalakal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |