Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Subic Bay Metropolitan Authority, malaki ang potensyal

(GMT+08:00) 2017-01-04 18:21:02       CRI

MARAMING NAIS MANGAPITAL SA SBMA. Maraming kumpanyang Tsino, Malaysian, Hapones, South Korean, British at Americano ang nais lumahok sa mga proyektong magpapasigla sa kalakal at ekonomiya sa Subic Bay Metropolitan Authority na sing-laki ng Singapore. Ito ang sinabi ni Chairman Martin Dino kanina. (Melo M. Acuna)

MARAMING interesadong kumpanya at pamahalaan sa mga proyektong gagawin sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority. Ito ang sinabi ni Chairman Martin Dino.

Ang mga posibleng maging arrangement ay mula sa government-to-government, public-private-partnership at build-operate-transfer sa mga proyektong nakatakdang gawin upang higit na sumigla ang ekonomiya ng bansa.

May pitong inihahandang malalaking proyekto ang SBMA, isang dating American naval base ang pook. Nilisan ito ng mga Americano bago pa man nawalan ng bisa ang US – Philippine Military Bases Agreement noong 1991 sa pagsabog ng Mt. Pinatubo sa gitnang Luzon.

Bukod sa mga kumpanyang Tsino, interesado rin ang dalawang kumpanyang Hapones, tatlong kumpanyang mula sa Malaysia, dalawa mula sa South Korea at tig-isa mula sa United Kingdom at Estados Unidos.

Kailangang mapalawak at madagdagan ang container terminals na kabibilangan ng naval supply depot at bulk cargo facilities, ang pagtatayo ng bypass road na magiging koneksyon ng seaport terminals sa Subic-Clark-Tarlac expressway na kabibilangan ng pagpapalawak ng Tipo Road upang maging four-lane highway, ang pagtatayo ng multi-modal elevated expressway mula sa Subic Bay patungong Port of Manila at pagpapaunlad ng Subic Airport ayon sa pandaigdigang pamantayan.

Ipinaliwanag pa ni G. Dino na isang malaki at tanyag na kumpanyang pag-aari ng pamahalaan ng Tsina na dalubhasa sa shipping, engineering and construction ang nagnanais gumawa ng design at engineering studies, kasabay na ng supply, construction at pagpapatupad ng proyekto. Nag-alok din umano ang isang kilalang bangkong pag-aari ng mga Tsino ng hanggang US$ 2.8 bilyon upang matustusan ang proyekto.

Ani G. Dino, handa siyang isumite ang panukalang proyekto sa National Economic Development Authority – Investment Coordination Council upang pagbalik-aralan at maipasa at makapag-laan ng salapi upang maipatupad na ang mga ito sa huling tatlong buwan ng 2017 na matatapos sa loob ng apat na taong magtatapos sa 2021.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>