Ipinahayag Enero 4, 2017 ni Mevlut Çavusoglu, Ministrong Panlabas ng Turkey na nakilala na ng Kapulisan ang identidad ng gunman sa teroristikong atake, na naganap kamakailan sa Reina nightclub sa Istanbul, pinakamalaking lunsod ng Turkey, at isinasagawa nito ang pagtugis sa naturang suspekt.
Ayon pa sa Dogan News Agency ng Turkey, nang araw ring iyon, 40 katao ang dinakip ng Kapulisan sa Izmir, lunsod sa gawing kanluran ng bansa. Karamihan sa kanila'y mga kamag-anak o may kaugnayan sa nasabing suspekt.