|
||||||||
|
||
Nang araw ring iyon, sinabi niya sa twitter na pagkatapos ng kanyang inagurasyon sa ika-20 ng Enero, tatanggapin ng Amerika ang mas malaking paggalang mula sa Rusya.
Ipinahayag din niyang isasagawa ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga isyung pandaigdig sa hinaharap.
Kaugnay ng pakikialam ng Rusya sa katatapos na halalang pampanguluhan ng Amerika, ipinahayag ni Trump na walang anumang ebidensya na nagpapakitang naki-alam ang Rusya sa halalan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa internet.
Sinabi pa niyang ang cyber attack sa pambansang lupon ng Democratic Party ay nagmula sa malaking depekto ng partidong ito sa cyber security.
Kaugnay ng mga negatibong impormasyon hinggil kay Hillary Clinton noong panahon ng halalang pampanguluhan, ipinahayag noong Oktubre, 2016 ng Department of Homeland Security at Office of the Director of National Intelligence ng Amerika na kinuha ng Rusya ang naturang mga impormasyon sa pamamagitan ng pag-atake sa internet at ibinigay ang mga ito sa Wiki Leaks para sirain ang kredibilidad ni Clinton.
Noong ika-29 ng Disyembre, 2016, ipinatalastas ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na isasagawa ang sangsyon sa Rusya dahil sa pakikialam sa halalang pampanguluhan ng bansa.
Bukod dito, ipinatalastas din ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na paalisin ang 35 diplomatang Ruso sa bansang ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |