|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat na isinapubliko kamakailan ng Institute for Energy Economics and Financial Analysis ng Amerika, noong isang taon, lumaki ng 60% ang pamumuhunan ng Tsina sa bagong enerhiya sa ibang bansa na naging halos 32 bilyong dolyares. Ito ang nasa unang puwesto sa global new energy market.
Sinabi ni Tim Buckley, Puno ng nasabing instituto, na napakabilis na umuunlad ngayon ang clean energy market. Sa kompetisyon sa pamilihang ito, higit na mabagal ang pag-unlad ng Amerika kaysa Tsina, aniya.
Ayon pa sa pagtaya ng International Renewable Energy Agency, sa mahigit 8.1 milyong trabahong bigay ng new energy fields sa buong mundo, mahigit 3.5 milyon ang likha sa Tsina, at 800 libo naman ang likha ng Amerika.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |