Ipinahayag kamakailan ni Sar Kheng, Pangalawang Punong Ministro ng Cambodia at Pangalawang Tagapangulo ng People's Party, naghaharing partido ng bansang ito, na may posibilidad na mapanumbalik ang diyalogo sa Cambodia National Rescue Party(CNRP), pinakamalaking oposisyon ng bansa, sa ika-11 ng Enero. Pero hindi niya isiniwalat ang mga detalye hinggil sa diyalogo.
Sinabi niyang ito'y bilang tugon sa liham na naipadala ni Kim Sokha, Pangalawang Tagapangulo ng CNRP para hilingin ang pagpapanumbalik ng mekanismo ng diyalogo ng dalawang partido.