Isang pagtitipun-tipon ang idinaos kahapon, Lunes, ika-9 ng Enero 2017, sa Beijing, para sa paggagawad ng 2016 State Science and Technology Award ng Tsina.
Dahil sa kani-kanilang namumukod na ambag sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, ginawaran ng Preeminent Award sina Physicist Zhao Zhongxian, at Pharmacologist at Nobel Prize awardee Tu Youyou. Iginawad sa kanila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang award certificate.
Ginawaran din ng mga iba pang gantimpala ang 279 na proyektong pansiyensiya at panteknolohiya, 5 siyentistang dayuhan, at 1 organisasyong pandaigdig.
Sa kanya namang talumpati sa pagtitipun-tipon, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang inobasyon ay pundasyon para sa pag-unlad ng Tsina, at pagpapalakas ng nukleong lakas kompetetibo ng bansa. Nanawagan siya para komprehensibong palakasin ang kakayahan ng Tsina sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya.
Salin: Liu Kai