Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit sa isang milyon lumahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno

(GMT+08:00) 2017-01-10 16:11:10       CRI

TULAD ng inaasahan, higit sa isang milyong deboto ang dumating sa Quirino Grandstand mula kagabing hatinggabi hanggang sa umusad ang prusisyon patungo sa Basilica Minore ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Tradisyon na ito ng mga deboto na kilala sa mga taguring namamanata mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Sa pagtataya ng National Capital Region Police Office, umabot sa isang milyon, dalawang daang libo katao ang dumagsa sa Rizal Park kaninang ikalima't kalahati ng umaga.

Bago sumapit ang ika-apat ng hapon nakarating na ang prusisyon sa harap ng Feati University sa Carlos Palanca Street sa paanan ng Jones Bridge. Inaasahang makararating ang imahen sa basilica sa pagitan ng ikalabing-isa ng gabi hanggang ala-una ng madaling araw ng Martes.

MILYON, DUMALO SA KAPISTAHAN.  Makikita sa larawan ang mga taong dumalo sa kapistahan ng Itim na Nasareno sa Quiapo, Maynila.  Sinasabing malaki ang nagagawa ng pagdarasal sa imahen ng Itim na Nazareno kaya't dumagsa sila sa Luneta.  (Melo M. Acuna)

Nasa unahan ng prusisyon ang may 800,000 samantalang may 400,000 katao naman ang na sa likod ng imahen. Mayroon pang 20,000 katao sa paligid ng simbahan. Hanggang kaninang dapithapon, wala pang malubhang mga pangyayari sa prusisyon maliban sa mga isinugod sa pagamutan dahil sa init ng araw at pagkakatulakan. Mahigpit ang naging seguridad sa posibilidad na maghasik ng lagim ang mga terorista.

Naging mahigpit ang seguridad mula kahapon sapagkat ipinagbawal ang pagdadala ng backpacks at kung magdadala ng gamit ay dapat nakasilid sa plastic bag na makikita ang loob.

Samantala, higit na sa 1,000 katao ang dinaluhan ng Philippine Red Cross hanggang kaninang ikalawa ng hapon. Dinaluhan nila ang may 670 katao na hinimatay sa prusisyon kaya't inalam ng Red Cross volunteers ang kanilang blood pressure.

Tatlo ang malubhang nasugatan samantalang umabot sa may 335 katao ang bahagyang nasaktan o nasugatan sa prusisyon. Pito katao ang isinugod sa Philippine General Hospital at sa Ospital ng Maynila.

Higit sa 400 katao ang ikinalat ng Philippine Red Cross sa daraanan ng prusisyon mula sa bantayog nina Ninoy at Cory Aquino, sa Round Table malapit sa Manila City Hall, sa Liwasang Bonifacio, sa Plaza Mexico o Post Office, Lacson sa Sta. Cruz Area, sa San Sebastian church at maging sa isang pook malapit sa Quiapo church. May pitong first aid stations sa prusisyon.

Ang kanilang puwesto sa Liwasang Bonifacio ang may pinakamaraming dinaluhang mamamayan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>