MARAMI ng natutuhan ang panig ng National Democratic Front/Communist Party of the Philippines/New People's Army sa larangan ng mga pag-uusap hinggil sa kapayapaan.
SATUR OCAMPO, UMAASANG MAKAKAMTAN ANG KAPAYAPAAN. Naniniwala ang dating National Democratic Front leader na sapat na ang ma confidence-building measures at ngayo'y handa na ang magkabilang-panig na mag-usap. (Melo M. Acuna)
Marami umanong mga dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang pagtatangka ng pamahalang magkaroon ng matagalang kapayapaan sa kanayunan sapagkat 'di naman nakarating ang kaunlaran sa mga liblib na pook. Ito ang sinabi ni G. Satur Ocampo.
Nasimulan ang dalawang buwang tigil putukan sa pagitan ng NDF/CPP/NPA noong panahon ni Pangulong Corazon Aquino subalit natuon ang kasunduan sa tigil putukan at 'di ang mga detalyes kung paano matitiyak na tatagal ang kapayapaan.
Nakikita na ang katapatan ng pamahalaan at pinagsisikapan din nilang huwag mawala ang pagtitiwala sa magkabilang-panig.