Arbitrasyon sa SCS, hindi isyu sa pagitan ng Tsina at ASEAN——Ministring Panlabas ng Tsina
Beijing—Ipinahayag Martes, Enero 10, 2017, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang arbitrasyon sa South China Sea (SCS) ay hindi at walang posibilidad na maging isang isyu sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations(ASEAN). Patuloy na magsisikap ang Tsina para lutasin ang mga hidwaan sa SCS sa pamamagitan ng direktang pakikipagtalastasan sa may kinalamang bansa, aniya pa.
Ayon sa ulat, magkahiwalay na ipinahayag kamakailan nina Perfecto Yasay at Rosario G. Manalo na sa termino ng Pilipinas bilang kasalukuyang tagapangulo ng ASEAN sa taong ito, hindi gagawing isyu sa mga pulong ng ASEAN ang arbitrasyon sa SCS. Isinasagawa ang Pilipinas at Tsina ang bilateral na pagpapalitan, at hindi kailangang talakayin sa antas ng ASEAN ang isyung naturan, anila.
Sinabi rin ni Lu na tinatanggap ng Tsina ang nasabing pananalita ng pamahalaan ng Pilipinas.