BEIJING--Ipinahayag Lunes, Disyembre 19, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang patakaran ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South China Sea ay angkop sa saligang interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ni Duterte na isaiisang-tabi ang arbitrasyon hinggil sa SCS, at hindi ipagpipilitan ang anumang bagay sa Tsina o gagawing kalaban ang Tsina.
Bilang tugon, sinabi ni Hua na tinatanggap ng Tsina ang pagsalita ni Duterte, ito ay nagpapakita ng lumalalim na pagtitiwalaang pulitikal at pagkakaibigan ng dalawang panig.
Aniya, sapul nang dumalaw si Pangulong Duterte sa Tsina noong Oktubre, naisasakatuparan ang komprehensibong pagpapabuti ng relasyon ng Tsina at Pilipinas. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Pilipinas, para walang humpay na mapalalim ang pagtitiwalaan, maayos na hawakan ang isyu ng SCS, at maisakatuparan ang komong pag-unlad.
Salin: Lele