Ayon sa Xinhua News Agency ng Tsina, kasabay ng pag-upgrade sa nukleong teknolohiya ng Beidou Navigation Satellite System, na sariling subok-yari sa Tsina, malawak na ginagamit ito sa ibat-ibang larangan ng konstruksyong pangkabuhayan at pandepensa ng bansa, pamumuhay ng mga mamamayan, at kooperasyong pandaigdig. Tinatayang gagamitin ito ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road," sa taong 2018, at sasaklaw ito sa buong mundo sa 2020.
Ipinahayag ni Fu Yong, namamahalang tauhan ng awtoridad ng BDS, na nananatiling matatag ang pagpapatakbo ng nasabing sistema. Lumampas na aniya sa sampung milyon ang bilang ng mga gumagamit nito.