|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Nitong Huwebes, Enero 13, 2017, pormal na nagsimula ang taunang migrasyon ng Spring Festival sa Tsina. Sa panahon ng nasabing kapistahan, tinatayang aabot sa 356 milyong person-time na pasahero ang ihahatid ng daam-bakal ng buong bansa. Ito ay mas malaki ng 9.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.



Upang ibayo pang mapaginhawa ang paglalakbay ng mga pasahero, isinagawa ng railway department ng Tsina ang isang serye ng bagong hakbangin sa mga aspektong tulad ng lakas-manggagawa, pagbabahaginan ng mga instalasyon, pagsasaayos ng transportasyon, pagpapabuti ng serbisyo, at iba pa.



Salin: Li Feng
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |