ISANG opisyal ng Philippine Army ang nasawi samantalang apat na kawal ang nasugatan samantalang hinahabol nila ang mga tauhan ng Abu Sayyaf sa Basilan.
Hinahabol ng mga kawal ang mga armado sa ilalim ng isang Furuji Indama alias Abu Dujanan sa Cabcaban, Sumisip, Basilan.
Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command naganap ang sagupaan mga pasado ikapito ng umaga samantalang hinahabol ng mga tauhan ng 19th Special Forces Company ng 4th Special Forces Battalion ang mga armado.
Dumating din ang mga kawal ng 64th Infantry Battalion at 3rd Scout Ranger Battalion upang mahadlangan ang paglusot ng mga armado.
Nagkaroon na rin ng airstrikes sa pook. Naunang binanggit ni AFP Chief of Staff General Eduardo Ano na umaasa silang matatapos ang operasyonlaban sa Abu Sayyaf sa loob ng anim na buwan.