|
||||||||
|
||
Magkahiwalay na nakipagtagpo Biyernes, Enero 13, 2017 sa Beijing sina Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC) ng Tsina, at Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Tsina, kay Ngo Xuan Lich, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Biyetnam.
Sina Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC) ng Tsina, at Ngo Xuan Lich, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Biyetnam.
Sa kanilang pagtatagpo, sinabi ni Fan na nakahanda ang hukbong Tsino, na magsikap, kasama ng hukbong Biyetnames, para pahigpitin ang pagpapalagayan ng dalawang hukbo sa mataas na antas, pasulungin ang mga aktuwal na kooperasyon sa gawaing pulitikal, pangangasiwa sa mga isyung pandagat, at pagsasanay sa mga talento, at maayos na harapin ang mga hamon.
Sinabi pa niyang dapat palalimin ng dalawang hukbo ang pagtitiwalaang pulitikal, at maayos na kontrolin ang mga hidwaan.
Sinabi naman ni Ngo Xuan Lich na ang relasyon ng dalawang hukbo ay mahalagang pundasyon ng relasyon ng dalawang bansa at dalawang partido. Nakahanda aniya ang Biyetnam, na palawakin, kasama ng Tsina, ang aktuwal na kooperasyon at pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawag hukbo.
Sinabi ni Chang Wanquan na nakahanda ang panig Tsino, na pahigpitin, kasama ng Biyetnam, ang mga kooperasyon para pasulungin ang magkasamang pag-unlad ng dalawang bansa at pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.
Sinabi ni Ngo Xuan Lich na nakahanda ang panig Biyetnam na panatilihin, kasama ng Tsina, ang madalas na pagdadalawan ng dalawang panig sa mataas na antas, at palalimin ang mga aktuwal na kooperasyon para pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo sa bagong antas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |