Nagpadala Biyernes, Enero 13, 2017 si Premyer Li Keqiang ng Tsina ng liham kay Punong Ministro Prayuth Chan-o-cha ng Thailand, bilang pakikiramay sa malubhang baha sa dakong timog ng bansang ito.
Sa kanyang liham, ipinahayag ni Li ang taos-pusong pangungumusta at lubos na pakikiramay sa mga mamamayan sa sinalantang lugar ng baha. Naniniwala aniya siyang sa ilalim ng pamahalaang Thai, matatagumpayan ng mga mamamayang Thai ang naturang kalamidad.
Nakahanda aniya siyang magbigay-tulong sa Thailand ang Tsina batay sa pangangailangan nito.