Nag-abuloy Huwebes, Enero 12, 2017 sa lalawigang Songkhla ng Thailand si Embahador Ning Fukui ng Tsina sa Thailand, ng mga relief supplies na nagkakalahaga ng 1 milyong Thai Baht o mahigit 28 libong Dolyares para sa mga apektadong mamamayang Thai dahil sa kalamidad ng baha sa dakong timog ng bansang ito.
Ipinahayag ni Ning ang hangaring matatagumpayan ng Thailand ang kalamidad ng baha sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag naman ni Anuchit Trakulmatuta, Pangalawang Gobernador ng Songkhla, na ang pagtulong ng Tsina ay nagpapakita ng mahalagang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, iaabot ng pamahalaan ng Songkhla ang mga relief supplies sa kamay ng mga apektadong mamamayan.