Nagtagpo Biyernes, Enero 13, 2017, sa Beijing sina Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).
Sinabi ni Yu na dapat ibayo pang palalimin ng dalawang bansa ang pag-uugnayan sa estratehiya, at pagtitiwalaang pulitikal, at pasulungin ang aktuwal na kooperasyon at pagpapalitan ng kultura.
Sinabi niyang nakahanda ang CPPCC na palalimin, kasama ng Vietnam Fatherland Front (VFF), ang pagpapalitan at pagtutulungan para patingkarin ang positibong papel sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Nguyen na ang pagpapahigpit ng tradisyonal na pagkakaibigan at pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa ay ang nagkakaisang posisyon ng dalawang bansa.
Pagkatapos ng kanilang pagtagpo, magkasamang dumalo sila sa aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-67 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng dalawang bansa.