Inabuloy Biyernes, Enero 13, 2017 ng Embahadang Tsino sa Myanmar ang 100 bisikleta para sa Yangon Region Police Force.
Ipinahayag ni Hong Liang, Embahador Tsino, na ang kooperasyon ng Tsina at Myanmar sa seguridad at pagpapatupad sa batas ay naging mahalagang bahagi ng bilateral na relasyon. Sinabi pa niyang kinakatigan ng Tsina ang pagpapalakas ng kakayahan ng panig pulisya ng Myanmar sa pagpapatupad sa batas at ipagkakaloob ang mga tulong batay sa aktuwal na pangangailangan ng panig pulisya ng bansang ito.
Pinasalamatan ni Win Naing, Puno ng Yangon Region Police Force, ang pag-abuloy ng panig Tsino. Naniniwala aniya siyang patuloy na pananatilihin ng dalawang bansa ang mainam na relasyon at kooperasyon sa larangan ng seguridad at pagpapatupad sa batas.
Bukod sa mga bisikleta, inabuloy din ng Embahadang Tsino ang mga kagamitan ng komunikasyon sa panig pulisya ng Myanmar.