Enero 16, 2017, sa Bern, kabisera ng Switzerland-nakipag-usap si Xi Jinping, dumadalaw na Pangulo ng Tsina kina Ivo Jürg Stahl, Presidente ng National Council, at Ivo Bischofberger, Presidente ng Council of States ng Switzerland.
Binigyang-diin ni Pangulong Xi na nananatiling mahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng National People's Congress ng Tsina at Federal Assembly ng Switzerland, at ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng matatag at malusog na relasyong Sino-Swiso. Umaasa aniya siyang hihigpit ang pagtutulungan ng mga organong lehislatural ng Tsina at Switzerland sa konstruksyon ng sistemang pambatas at pakikibaka laban sa korupsyon.
Ipinahayag naman nina Jürg Stahl at Ivo Bischofberger ang pag-asang pahihigpitin ang pagtutulungan ng mga sirkulong lehislatural ng Tsina at Switzerland. Ito anila'y makakatulong hindi lamang sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, kundi rin sa pagpapalawak ng pagtutulungan sa kabuhayan, kalakalan, edukasyon, pagtatatag ng "Belt and Road," at iba pa.