Inihandog nitong Lunes ng gabi, ika-23 ng Enero 2017, ng Embahada ng Tsina sa Singapore, ang bangketeng panalubong sa Chinese New Year. Sa kanyang talumpati sa bangkete, nilagom ni Chen Xiaodong, Embahador ng Tsina sa Singapore, ang relasyon ng dalawang bansa noong 2016.
Sinabi ni Chen, na noong isang taon, maganda ang kooperasyon ng Tsina at Singapore sa maraming aspekto, na gaya ng kalakalan at turismo. Pero aniya, hindi lubos na maalwan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Aniya, kailangang igalang at isaalang-alang ng dalawang bansa ang mga nukleong interes at malaking pagkabahala ng isa't isa, para maging mas mabuti ang kanilang relasyon.
Dagdag ni Chen, sa huling dako ng susunod na buwan, idaraos sa Tsina ang pulong ng Joint Council for Bilateral Cooperation ng Tsina at Singapore. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng pulong na ito, magkasamang pasusulungin ng dalawang bansa ang kooperasyon, para magbigay ng mas maraming positibong elemento sa kanilang relasyon, at magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai