BEIJING--Kinatagpo kahapon, Enero 23, 2017, ni Wang Yang, Pangalawang Premiyer ng Tsina ang delegasyong Pilipinong pinamumununan ni Carlos Dominguez III, Kalihim ng Kagawaran ng Pinansya ng Pilipinas. Nag-usap sila hinggil sa pagsasakatuparan ng komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon.
Sinabi ni Wang na ang Tsina at Pilipinas ay magkapitbansa, malawak ang saklaw at malaki ang potensyal sa kooperasyon. Dapat balangkasin ang plano ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa lalong madaling panahon, at matatag na pasulungin ang mga preperensyal na proyekto, para mapasulong ang patuloy at malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
salin:Lele