Upang maisakatuparan ang bunga at komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Pilipinas sa kanilang pagtatagpo noong Oktubre 2016, nakipag-usap kahapon, Enero 23, 2017, sa Beijing ang delegasyong Pilipino sa mga opisyal na Tsino. At hanggang sa kasalukuyan, itinakda na ang mga kasunduang nagkakahalaga ng 3.7 bilyong dolyares sa larangan ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Noong gabi ng ika-22 ng Enero, 2017, dumating ang delegasyon ng limang kalihim ng Pilipinas ng Beijing, at sinimulan nila ang 2-araw na pagdalaw sa Tsina.
Pagkatapos ng pag-uusap noong ika-23 ng Enero, ipinahayag ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na narating ng dalawang panig ang komong palagay hinggil sa dokumento ng pagsasagawa ng kooperasyon. Halos tapos na ang anim na taong plano ng pag-unlad ng Tsina at Pilipinas, at posibleng lalagdaan ito sa ika-28 China-Philippines Joint Commission on Economic and Trade Cooperation na idaraos sa Manila sa susunod na buwan.
Pero, ani Gao, hindi pa tapos ang mga proseso ng bangko hinggil sa nasabing mga proyektong nagkakahalaga ng $3.7 bilyon.
Sinabi ni Carlos Dominguez III, Kalihim ng Kagawaran ng Pinansya ng Pilipinas na ang "Belt and Road" Initiative na itinaguyod ng Tsina ay makakabuti sa mga umuunlad na bansa, at aktibong kumakatig ang Pilipinas ang pagpapasulong ng pagsasagawa ng initiative na ito.
salin:Lele