Ipinahayag kahapon, Enero 24, 2017 sa Beijing, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Amerika ay hindi panig na sangkot sa hidwaan ng South China Sea (SCS). Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na igalang ang katotohanan, maging matimpi at maingat, huwag sirain ang kapayapaan at katatagan ng SCS.
Ito ang pahayag niya sa Regular PressCon at sa tanong hinggil sa pahayag ni Sean Spicer, tagapagsalita ng White House na kung ang isang isla ay nasa pandaigdig na rehiyong pandagat, pangangalagaan ng US ang pandaigdig na interes at titiyaking hindi ito panghahawakan ng isang panig.
Ani Hua, hindi nagbabago ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea, mayroong di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Islands at karagatan sa paligid nito, pero, igigiit na lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng direktang talastasan sa mga may kinalamang bansa. At matatag na pinangangalagaan ng Tsina ang malayang nabigasyon ng iba't ibang bansa sa SCS batay sa pandaigdig na batas.
Salin:Lele