Kaugnay ng paghuli ng tropang pandagat ng Tsina ng isang underwater drone ng Amerika sa rehiyong pandagat ng South China Sea (SCS), ipinahayag Sabado, Disyembre 17, 2016, ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na matatag na tumututol ang panig Tsino sa mga pagmamatyag at pagsisiyasat na military ng panig Amerikano sa rehiyong pandagat ng Tsina at hiniling sa Amerika na itigil ang ganitong mga aksyon sa malapit na hinaharap.
Sinabi ni Yang na noong ika-15 ng kasalukuyang buwan, natuklasan ng isang bapor ng tropang pandagat ng Tsina ang isang di-kinilalang kagamitan sa SCS. Dagdag pa niya, upang mapigilan ang banta ng naturang bagay sa kaligtasan ng paglalayag sa iyong rehiyong padagat, isinagawa ng panig Tsino ang pagsusuri sa kagamitang ito.
Sinabi rin ni Yang na tiniyak ng Tsina na ang kagamitang ito ay isang underwater drone ng Amerika at nakahandang ibalik ito sa panig Amerikano sa isang angkop na panahon.