Ayon sa ulat ng media ng Thailand, ipinatalastas kahapon, Enero 24, 2017, ni Prawit Wongsuwon, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand na bibili ng kauna-unahang submarine ang kanyang bansa mula sa Tsina. Naaprobahan ng parliamento ang budget na 13.5 bilyong Thai Baht o 2.6 bilyong yuan RMB para sa nasabing pagbili.
Ayon sa hukbong Thai, ibibigay din ng Tsina ang serbisyong kinabibilangan ng pagsasanay sa mga tauhan, sandata at instalasyon sa loob ng submarine, teknolohiya, pagkukumpuni sa loob ng 6 na taon, at iba pa.
salin:Lele