Bumagsak Sabado, Enero 14 2017 sa base militar sa lalawigang Songkhla ng Thailand ang isang eroplanong pandigma ng bansa, habang isinasagawa ang palabas para sa mga bata. Nasawi ang piloto.
Ang Enero 14 ay Araw ng mga Kabataan ng Thailand.
Ayon sa inisiyal na imbestigasyon, ang pagbagsak ng eroplano ay nagmula sa problema sa makina.
Ipinahayag naman ni Prayuth Chan-o-cha, Punong Ministro ng bansang ito, ang pakikidalamhati sa nasawing piloto at pakikiramay sa kanyang mga kamag-anak.
Inutasan din niya ang mga departamento ng pamahalaan na isagawa ang imbestigasyon sa dahilan ng naturang insidente.