Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-20 ng Enero 2017, sa Bangkok, Thailand, ni Yuthasak Supasorn, Puno ng Tourism Authority of Thailand, na sa panahon ng nalalapit na Spring Festival ng Tsina, magkasamang itataguyod ng kanyang tanggapan at Embahada ng Tsina sa Thailand ang mga aktibidad sa iba't ibang lugar ng Thailand, para ipagdiwang ang kapistahang ito, at makaakit ng mas maraming turistang Tsino.
Ayon sa naturang opisyal Thai, mula ika-25 hanggang ika-29 ng buwang ito, idaraos sa Lumphini Park sa gitna ng Bangkok ang mga aktibidad, kung saan mapapanood ang mga palabas na pansining ng Tsina, at matitikman ang mga espesyal na pagkaing Tsino na pang-Spring Festival.
Bukod dito, idaraos din ang makukulay na aktibidad sa 8 lugar na panturista ng Thailand, na kinabibilangan ng Chiang Mai, Phuket, Pattaya, at iba pa, bilang espesyal na pagtanggap sa mga turistang Tsino.
Salin: Liu Kai