Ipinahayag Enero 24, 2017 ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong (HKSAR), na isasauli nito ang siyam na armoured vehicle ng Singapore, na pinigil kamakailan ng adwana ng HKSAR.
Ipinahayag ng awtoridad ng HKSAR na alinsunod sa mga may-kinalamang regulasyon, ilegal ang anumang kalakalan o pagtawid ng strategic commodities, na walang permiso mula sa awtoridad ng HKSAR.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Singapore na ipinadala ang mensahe ni Leung Chun Ying, Punong Ehekutibo ng HKSAR kay Punong Ministrong Lee Hsien Loong ng Singapore bilang tugon sa naturang pangyayari. Ipinahayag ng pamahalaan ng HKSAR na tapos na ang mga may-kinalamang imbestigasyon, at isasaulit ang nasabing mga armoured vehicle sa Singapore.