Kaugnay ng katatapos na ika-8 Sesyong Plenaryo ng Ika-8 Central Discipline Commission ng Partido Komunista ng Tsina noong Linggo, Enero 8, 2017, ipinahayag ni Wang Jiangyu, Propesor ng National University ng Singapore, na kapansin-pansin ang natamong bunga ng Tsina sa paglaban sa korupsyon.
Sinabi niyang sa isang dako, binalangkas ng Tsina ang mga mahigpit na batas at tadhana sa paglaban sa korupsyon, at sa kabilang dako naman, mainam na isinakatuparan ang naturang mga batas at tadhana.
Kaugnay ng talumpati ni Pangulong Xi Jinping sa nasabing pulong, sinabi ni Wang na ito'y nagpapakitang ang paglaban sa korusyon ng Tsina ay tumatahak sa landas ng institusyunalisasyon at ligalisasyon.
Dagdag pa niya, napakahalaga ng namumunong papel ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa paglaban sa korupsyon.