Sinabi kahapon, Linggo, ika-22 ng Enero 2017, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na makikipagtalastasan ang bansang ito sa Mexico at Canada, para dagdagan ng bagong nilalaman ang North American Free Trade Agreement (NAFTA).
Ayon pa rin sa White House, isinasa-ayos na ang iskedyul ng pakikipagtagpo ni Trump sa mga lider ng Mexico at Canada, para talakayin ang naturang isyu.
Ang pagsasagawa ng bagong talastasan hinggil sa NAFTA ay isa sa mga priyoridad ng patakarang pangkalakalan ni Trump. Ipinalalagay niyang dahil sa NAFTA, inilipat sa Mexico ang mga trabaho ng manupaktura ng Amerika. Ang pag-urong sa Trans-Pacific Partnership ay isa pang priyoridad ni Trump sa aspekto ng kalakalan.
Salin: Liu Kai