Upang parangalan ang ambag ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia sa larangan ng palakasan, ginawaran siya Miyerkules, Enero 25, 2017 sa Phnom Penh, kabisera ng bansang ito, ng President's Trophy ng International Olympic Committee (IOC).
Sa seremonya ng paggagawad, sinabi ni Hun Sen na ipinagmamalaki niya, kasama ng lahat ng mga manlalaro at mga mamamayan ng bansang ito, ang naturang gantimpala.
Umaasa aniya siyang malayang lalahok ang mga mamamayan ng Cambodia sa anumang sports sa pundasyon ng kapayapaan.