Ayon sa datos na inilabas Miyerkules, Enero 25, 2017 ng Investment Coordinating Board of the Republic of Indonesia (Badan Koordinasi Penanaman Modal o BKPM), ang kabuuang bolyum ng direkteng pamumuhunan ng Tsina sa Indonesia noong 2016 ay umabot sa 2.665 bilyong Dolyares na lumaki ng 324% kumpara sa taong 2015.
Sinabi ni Thomas Trikasih Lembong, Tagapangulo ng BKPM na, ang Tsina ay naging pangunahing lugar na pinagmumulan ng mga pondong dayuhan sa Indonesia. Dagdag pa niya, patuloy na pabubutihin ng kanyang bansa ang kapaligiran ng pamumuhunan para makahiyat ng mas maraming pamumuhunan sa Tsina at ibang mga bansa.