SA panig ni dating Commission on Human Rights Chair Loretta Ann Rosales, sinabi niyang marapat maging tapat ang pamahalaan sa paghahanap ng detalyes sa pagkakapaslang sa Koreanong negosyanteng kinilala sa pangalang Jee Ick Joo.
Ito ang kanyang reaksyon sa pahayag ng Korean Chamber of Commerce Philippines na nagsabing mayroong 120,000 mga Korean nationals sa Pilipinas at umaasa silang mapangangalagaan ang kanilang kabutihan samantalang nagnenegosyo o nag-aaral sa Pilipinas.
Para kay dating CHR Chairperson Rosales, binanggit ng mga negosyanteng Koreanong inaalagaan naman nila ang may 50,000 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa timog Korea ngayon.
Marapat lamang umanong suklian ng Pilipinas ang pagtiyak na ligtas at walang anumang paglabag sa batas ang mga employer ng mga Filipino na matagal nang naninirahan at nagtrabaho sa Seoul at iba pang lungsod ng Korea.