Ipinahayag Enero 24, 2017 ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, kasalukuyang tagapangulong bansa ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), na magsisikap ang kanyang bansa, kasama ng iba pang kasapi ng ASEAN, para pasulungin ang inklusibong paglaki ng kabuhayang panrehiyon.
Winika ito ng Pangulong Pilipino sa seremonya ng pagsasapubliko ng Plano sa Komersyo at Pamumuhunan ng ASEAN sa taong 2017, na itinaguyod ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Pangulong Duterte, na ilalagay ng pamahalaan ang mas maraming pansin sa pagdedebelop ng mga maliit at katamtamang-laking bahay-kalakal, pagsasakatuparan ng paglipat sa "intelligent economy" sa pamamagitan ng teknolohiya at inobasyon, at ibayong pagpapatingkad ng papel ng mga kababaihan sa mga suliraning pangkabuhayan.
Sinabi ni Pangulong Duterte na bilang ika-7 pinakamalaking ekonomiya ng daigdig, umabot sa 2.5 trilyong dolyares ang kabuuang bulyum ng kabuhayan ng ASEAN. Aniya, sa globalisasyon ng kabuhayang pandaigdig, labis na ipapakita ang bentahe ng mga batang manggagawa at human resource ng ASEAN na may mataas na lebel na edukasyon at propesyonal na pagsasanay. Ito aniya ay magdudulot ng pagkakataon para sa mga mamumuhunan mula sa loob at labas ng rehiyong ito.