Nag-usap Biyernes, Enero 27, 2017 sa Washington D.C. sina Pangulong Donald Trump ng Amerika at Punong Ministro Theresa May ng Britanya, para palalimin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Sa news briefing pagkatapos ng pagtagpo, ipinahayag ni Donald Trump na muling itatayo ng Amerika ang malalimang relasyon sa Britanya sa mga larangan na gaya ng military, pinansiya, kultura at pulitika. Inulit niya ang pagkatig sa pagtiwalag ng Britanya sa Unyong Europeo (EU).
Ipinahayag naman ni May na mahalaga ang kaalyadong relasyon ng dalawang bansa. Bukod dito, sinabi niyang inulit ni Trump ang pangako ng Amerika na patuloy na suportahan ang North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Si Theresa May ay unang dayuhang lider na dumalaw sa Amerika pagkatapos ng panunungkulan ni Trump bilang Pangulong Amerikano.