Ipinahayag Huwebes, Enero 26, 2017 sa New York ni Zhang Qiyue, Consul General ng Tsina, na ang relasyong Sino-Amerikano ay nasa pinakamahigpit na panahon. Ito aniya ay nakakabuti, hindi lamang sa kanilang mga mamamayan, kundi sa kabuhayang pandaigdig.
Sa resepsyon bilang pagdiriwang sa 2017 Spring Festival o Chinese New Year, sinabi ni Zhang na noong taong 2016, ang direktang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Amerika ay umabot sa 45 bilyong US Dollars na lumaki nang 3 ulit kumpara sa taong 2015.
Tinukoy ni Zhang na ang pagpapalagayan ng mga tao at pagpapalitan ng kultura ay mahalagang pundasyon ng relasyon ng dalawang bansa.
Ayon sa datos, halos 13,000 tao ang bumibiyahe sa pagitan ng Tsina at Amerika bawat araw.