Nitong nagdaang Enero, umabot sa 54.6% ang Non-Manufacturing Business Activity Index ng Tsina. Mas mataas ito nang 0.1% kumpara noong Disyembre, 2016.
Ang nasabing datos ay inilabas ng China Federation of Logistics and Purchasing (CFLP) at National Bureau of Statistics Service Industry Survey Center ng Tsina.
Ayon kay Cai Jin, Pangalawang Presidente ng CFLP, ipinakita ng index na ito na nanatiling matatag at may kabilisang pag-unlad ang non-manufacturing sector ng Tsina. Idinagdag pa niyang hanggang katapusan ng nagdaang Enero, apat na buwang singkad na nanatiling mahigit 54% ang Non-Manufacturing Business Activity Index ng Tsina.
Ang Non-Manufacturing Business Activity Index ay binubuo ng sampung indices kung saan ang Business Activity ay nagsisilbing pangunahing index. Kung lalampas sa 50% ang index, magpapakikita ito ng pagtaas ng non-manufacturing sector.
Salin: Jade
Pulido: Mac