Umabot sa 51.3% ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng Tsina nitong nagdaang Enero.
Inilabas ang datos na ito ng China Federation of Logistics and Purchasing (CFLP).
Ayon sa tagapag-analisa na si G. Zhang Liqun, Propesor ng Beijing University of Chemical Technology, kahit mas mababa ng 0.1% ang PMI ng Tsina kumpara sa datos noong Disyembre, 2016, nanatili itong mas mataas ng 50%. Ipinakita aniya nito ang kabuuang pagtaas ng manufacturing industry ng bansa.
Ang PMI ay pangunahing palatandaan ng kalusugang pangkabuhayan ng manufacturing industry. Kung lalampas sa 50% ang index, ituturing na malusog ang pag-unlad ng industriya ng paggawa.
Salin: Jade
Pulido: Mac