Beijing — Ipinahayag nitong Martes, Enero 10, 2017, ni Xu Shaoshi, Puno ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na noong isang taon, tinatayang umabot sa mga 6.7% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino na nasa makatwirang lebel. Lumampas din aniya sa 70 trilyong Yuan, RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa.
Tinukoy din niya na sa taong 2017, bagama't masalimuot at mahigpit pa rin ang kapaligirang panloob at panlabas na kinakaharap ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, may kakayahan, kondisyon, at kompiyansa ang Tsina upang mapanatili sa makatwirang lebel ang pagtakbo ng kabuhayan ng bansa.
Salin: Li Feng