Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Biyernes, ika-20 ng Enero 2017, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong 2016, lumaki ng 6.7% ang GDP ng Tsina.
Bagama't hindi mabilis ang naturang paglaki, angkop pa rin ito sa nakatakdang target ng pamahalaang Tsino.
Ayon pa rin sa naturang kawanihan, noong isang taon, dahil sa mga isinagawang hakbangin, bumuti ang kalagayan ng real economy ng Tsina, at ang ibayo pang pagpapalakas ng real economy ay priyoridad pa rin sa taong ito.
Salin: Liu Kai