|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Vergel Santos, isang opinion writer sa New York Times na nararapat lamang pakinggan ang mga sinasabi ni Edgar Matobato na humarap sa Senado noong nakalipas na Setyembre at Oktubre.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni G. Santos na mahalagang balikan ang sinabi ni Edgar Matobato sapagkat maraming detalyes na nag-uugnay sa mga naganap sa Davao City noong punong-lungsod pa lamang sa Davao si Pangulong Rodrigo Duterte.
EDGAR MATOBATO, NARARAPAT DINGGIN. Sinabi ni G. Vergel Santos, isa sa mga iginagalang na mamamahayag sa Pilipinas na kung nais mabatid ang katotohanan sa Davao Death Squad, marapat dinggin ang mga pahayag ni Edgar Matobato. Ipinaliwanag niyang may koneksyon ang mga pahayag sa lumalabas na pangyayari sa bansa, dagdag pa ni G. Santos. (Melo Acuna)
Kakaiba ang ipinakitang lakas ng loob ni G. Matobato noong humarap siya sa Senado ng walang kasamang abogado at nagsimulang magdetalye ng mga gawain ng tinaguriang Davao Death Squad – ang mga armadong pumapatay ng mga pinaghihinalaang lumalabag sa batas.
Ani G. Santos, si Pangulong Duterte na mismo ang nagsabi noong pumatay na siya ng isang kriminal at nasundan pa ng pahayag na pumaslang siya ng tatlong masasamang loob. Hindi umano magtatagal ay aabutin na ang walo kataong sinabi ni Matobato sa Senado.
Nakapagtataka umanong hindi na itinuloy ang pagsisiyasat ng Senado sa extra-judicial killings na naganap sa Davao City sapagkat binabale-wala na nina Senador Richard Gordon at Panfilo Lacson ang mga sinabi ni G. Matobato.
Ngayong naglabas ang Amnesty International ng kanilang ulat, kailangang balikan ng Senado ang pagsisiyasat sa mga sinabi ni G. Matobato sapagkat may pagkakatugma sa mga naganap sa Davao at nagaganap sa Metro Manila ngayon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |