Sinabi nitong Martes, Pebrero 7, 2017, ni Soth Esan, Tagapagsalita ng Cambodia People's Party, naghaharing partido ng bansang ito, na buong tatag na iginigiit ng kanyang bansa sa patakarang isang Tsina. Aniya, ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina.
Ipinagdiinan din nitong Sabado, Pebrero 4, 2017, ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia na matatag na nananangan ang kanyang pamahalaan sa patakarang isang Tsina. Tinututulan aniya ng kanyang bansa ang pagtatatag ng Taiwan ng tanggapan sa Cambodia.
Salin: Li Feng