Kaugnay ng inilabas na pahayag ng pamahalaan ng Sao Tome and Principe na nagsabing puputulin nito ang "diplomatic ties" sa Taiwan, ipinahayag Miyerkules, Disyembre 21, 2016, ni An Fengshan, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, na nilinaw na ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng bansa ang kaukulang posisyon at atityud nito. Hindi aniya nagbabago ang paninindigang iginigiit ang "One China Principle," at tinututulan ang "pagsasarili ng Taiwan." Ito ay tiyak na makakakuha ng mas malawakang pagkilala at pagkatig ng komunidad ng daigdig, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng