Hinimok kahapon, Sabado, ika-14 ng Enero 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang may kinalamang panig ng Amerika, na mapagtanto ang malaking sensibilidad ng isyu ng Taiwan, at sundin ang pangako ng mga dating pamahalaang Amerikano hinggil sa paggigiit sa patakarang "Isang Tsina," at pagtalima sa mga prinsipyo ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika.
Winika ito ni Lu, kaugnay ng pananalita kamakailan ni President-elect Donald Trump ng Amerika, na puwedeng isagawa ang talastasan hinggil sa lahat ng mga isyu sa pagitan ng Amerika at Tsina, na kinabibilangan ng isyu ng Taiwan.
Kaugnay nito, sinabi ni Lu, na ang prinsipyong "Isang Tsina" ay pundasyong pulitikal sa relasyong Sino-Amerikano, at hindi ito maipagbibili. Dagdag niya, dapat maayos na hawakan ng panig Amerikano ang isyu ng Taiwan, para iwasan ang negatibong epekto sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano at kooperasyon ng dalawang bansa sa mga mahalagang aspekto.
Salin: Liu Kai