Bilang tugon sa pananalita ni bagong halal na Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil sa isyu ng Taiwan, inulit ni Ministrong Panlabas Jean-Marc Ayrault ng Pransya ang kanyang pagkatig sa polisiya at paninindigang "Isang Tsina." Bukod sa Pransya, pawang malinaw na nagpahayag ang mga mataas na opisyal ng maraming bansa na kinabibilangan nina Chancellor Angela Merkel ng Alemanya at Ministrong Panlabas Julie Bishop ng Australia ng kanilang pananangan sa polisiyang "Isang Tsina."
Kaugnay nito, hinangaan Huwebes, ika-15 ng Disyembre, 2016, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pahayag ng nasabing mga bansa. Inulit ni Geng na may iisang Tsina sa buong mundo, ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina lamang, at ang Republika ng Bayan ng Tsina ay siyang tanging lehitimong pamahalaan na kumakatawan sa Tsina. Ang polisiyang "Isang Tsina" ay paunang kondisyon at pundasyon ng pagpapaunlad ng Tsina ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa iba't ibang bansa.
Salin: Vera